Aug 03

Minsan o madalas, iniisip mo kung ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo. Kung bibigyan ng pagkakataong pumili ng gusto mo, hindi mo rin alam kung ano ba talaga. Kung anong meron ka, minsan nagsasawa ka na, pero ayaw mo namang humanap ng mas maganda. Dumadating din yung punto na napapagod ka na sa paulit-ulit na ikot ng buhay mo, mula umaga hanggang sa pagtulog, gusto mong may magbago, pero nakakatakot maging iba, nakakatakot sumubok ng bago o sadyang nakakatamad lang talaga. Nakakahiyang magreklamo dahil kahit papano mas okay naman ung buhay mo kumpara sa mga taong hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

Habang tumatanda ka, lalong nagiging mahirap ang buhay. Iniisip mo na ung mga bagay na dati wala kang pakialam. Madami ka nang nakakasalamuhang ibang tao, kaya lalong dumadami problema mo. Dumadami na ang mga kakilala mong namamatay, madami nang nag-aasawa, madami nang nabubuntis na classmates mo nung highschool, dumadami na din ang mga nag-iibang bansa. At eto ikaw, naghihintay ng isang malaking BOOM sa buhay mo, yung life-changing, yung breath-taking, yung earth-shaking! Pero di mo alam kung maghihintay ka lang ba o gagawa ka ng paraan. Tanga, you make things happen nga eh! HAAAYYY

Lord, sana mabasa nyo toh.

PSP muna..