MMMBop Halloween From the bottom of my heart…
Jan 19

2008 na!!! First entry of the year, at gusto kong magshare sa inyo ng isang napakalaking pagbabagong nangyari sakin ngayong taon na ito :) Mahaba ito, pero bigyan nyo sana ng panahong basahin kasi napaka importante sakin nito. Salamat.

Hindi naging maganda ang pasok sakin ng bagong taon, kasi may mga pangit na pangyayari nung 2007 na umabot pa hanggang 2008. Hindi maganda ang Pasko ko… Malungkot din nung New year… At worst sa lungkot nung birthday ko (pero hindi halata). Tatlong okasyon sa buhay ko na lagi kong inaabangan taun-taon, magkakasunod kasi, pero parang hindi ko man lang naramdamang importante sakin ‘tong tatlong toh, dahil tinalo sila ng lungkot ko. Ganun katindi.

Sabi sakin nang marami: *iniisip ko sinasabi lang nila toh para gumaan loob mo*
“You deserve someone better.”
“You deserve a great guy.”

Dati, sabi ko, kalokohan yan, gasgas na yan, bakit laging yan ang sinasabi, wala bang ibang maisip. Kahit hindi siya si better, kahit hindi siya si great, basta mahal ko siya, I deserve him, tama diba? Pero ngayon, naisip ko, hindi pala yun ang kaso eh, yung pagpapahalaga ko sa sarili ko ang importante, na marealize kong gusto ko ng maayos na lalake, kasi mahalaga pala ako eh :) At ikaw din reader, mahalaga ka din :)

Pero may nangyari..
Sa wakas, nangyari na din ang dapat na mangyari *kulog at kidlat
At tinatamad akong ikwento kung anuman yun. =P
Nagalit ako. Nasaktan ako. Umiyak ako.
Pero kinabukasan, sa di maipaliwanag na dahilan, nawala na ‘yung mabigat na dinadala ko sa buhay ko, isang malaking electric lagare na nakasaksak sa puso ko na matagal nang naandar at nagpapahirap sakin.

At oo, gumanti ako. Pero sa tingin ko, hindi pa sapat ung ganti ko sa kanya, no match sa lahat ng sama ng loob na binigay niya sakin, sa dami ng luhang iniluha ko, at sa lungkot na pinagdaanan ko, na hindi ko kayang i-describe sa inyo. Pero nakakatuwa, ‘yun lang talaga ang gusto kong gawin sa kanya, masabi ko man lang sa kanya kung anu na ang tingin ko sa pagkatao niya ngayon. Solve na ko dun. At hindi ako si Angelica na gaga at gustong manira ng buhay makapaghiganti lang. LOL

Pero naalala ko ngayon si Jet Li, sabi niya kasi:
Revenge begets revenge - Fearless.

Sayang, hindi na lang sana ako naghiganti, i love that movie pa naman. Nung galit na galit ako, di ko siya naalala eh. lol. Sorry for letting you down Jet Li!

Kaya sa lahat nang nagbabasa nito ngayon, kung meron ka mang pinagdaraanang sobrang kalungkutan ngayon, kung meron kang matinding problema at gusto mo nang sumuko, eto lang ang masasabi ko sayo:

LABAN LANG NANG LABAN!
KAYA MO YAN!

Kung pakiramdam mo tinalikuran ka na ng buong mundo at iniisip mong dinededma ka lang ng Diyos, NAGKAKAMALI KA!

LABAN LANG!
MAGING MABUTI KAHIT NASASAKTAN!
GAWIN ANG TAMA KAHIT MAHIRAP!

Kahit gaano pa katagal ang paghihintay mo..
Na akala mo wala nang katapusan..
Na parang habambuhay nang may ulap sa ulo mo..
HUWAG KANG BIBITAW KAY LORD!

Dahil, alam mo ba, pag dumating na ang panahon na gagalaw na ang Diyos sa buhay mo, sa isang pitik lang, magugulat ka na lang, aayusin Niya ang lahat nang mali sayo! At sa sobrang galing ng powers ni Lord, mababalewala lahat ng sakit, sama ng loob, at hirap na naranasan mo, wala nang kwenta yun! Basta ba hanggang katapusan, magtitiwala ka sa Kanya :)

Ahem ahem..
Jo is back ^_^
Namiss ko sarili ko ah
LOL

Comments are closed.