Natutuwa ako sa kantang toh! Favorite kong line:
Oo nga pala, hindi nga pala tayo…
HAHA! Salamat sa pagpapaalala, nakakalimutan ko eh
May topak ako ngayon, wag nyo kong kausapin. Gusto kong manahimik. Kung pwede lang isang linggong hindi ako magsasalita, gagawin ko. Ang malas ng mag ttxt sakin ngayon, kahit sino ka pa, kahit importante, hindi ako magrereply.
Gusto ko nang mag hapunan, at nang makatulog na. Naiinis ako sayo, sayo, at lalo na sayo.
Merong salawahan dito sa opis. grrrr. Kawawa naman GF niya. Nababanas ako pag nakikita ko sila. Bakit hindi ka muna makipag break sa GF mo bago ka makipagharutan sa iba?
SO UNFAIR
Bakit ganun ung wordpress? Inunahan pa kong mag post. kaasar. Hindi tuloy ako first post. Binura ko nga ung post nya eh. KUNG SINO KA MAN, AYUSIN MO BUHAY MO.
Anyway, welcome to my world! lol. Ang pangit.
Bakit nga ba wordpress pinili ko. Sabi kse ng ate ko, eto daw ung "IN" ngayon eh. lol. Pero seryoso, maganda daw tong wordpress, lagi na lang tong binibida sakin ng ate kong adik sa plug-ins. Tuwing uuwi ako, galing sa trabaho, nakangiti na yan sakin, tapos pagmamalaki nya ung site nyang lokbu, meron daw siyang bagong plug-in, choochoo, at kulang na lang gumawa siya ng altar at dun sambahin si wordpress. So para makarelate din ako, eto, nasa wordpress na ren ako.
oh yeah.
Sana thursday na…


