Aug 03
Minsan o madalas, iniisip mo kung ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo. Kung bibigyan ng pagkakataong pumili ng gusto mo, hindi mo rin alam kung ano ba talaga. Kung anong meron ka, minsan nagsasawa ka na, pero ayaw mo namang humanap ng mas maganda. Dumadating din yung punto na napapagod ka na sa paulit-ulit na ikot ng buhay mo, mula umaga hanggang sa pagtulog, gusto mong may magbago, pero nakakatakot maging iba, nakakatakot sumubok ng bago o sadyang nakakatamad lang talaga. Nakakahiyang magreklamo dahil kahit papano mas okay naman ung buhay mo kumpara sa mga taong hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.
Habang tumatanda ka, lalong nagiging mahirap ang buhay. Iniisip mo na ung mga bagay na dati wala kang pakialam. Madami ka nang nakakasalamuhang ibang tao, kaya lalong dumadami problema mo. Dumadami na ang mga kakilala mong namamatay, madami nang nag-aasawa, madami nang nabubuntis na classmates mo nung highschool, dumadami na din ang mga nag-iibang bansa. At eto ikaw, naghihintay ng isang malaking BOOM sa buhay mo, yung life-changing, yung breath-taking, yung earth-shaking! Pero di mo alam kung maghihintay ka lang ba o gagawa ka ng paraan. Tanga, you make things happen nga eh! HAAAYYY
Lord, sana mabasa nyo toh.
PSP muna..
Aug 02
I can’t believe it happened..
Never expected to have you..
You just came
Meet him…
Continue reading »
Jun 30
There are things I wish I can do.
I want to know what you’re thinking every time we talk… And I would love to know what’s going on in that head of yours in times when you just don’t talk at all..
I know it’s impossible to read minds, but I would love to learn how…
So I can read yours
May 03
Pero nag-uusap pa rin kayo?
uhm hindi na.
Bakit hindi?
kasi ayaw ko at anung pag uusapan?
Edi hindi ka pa rin nakakapag-moved on, kasi ayaw mo siyang kausapin eh.
WOW! Hindi pa raw ako nakapag-moved on? *sarcasm all over* pero ganun ba talaga yun? Wah!
So let’s talk about moving on. I really hate this term, abused, misused, is-there-really-a-term?? But I’ve been thinking about it lately, and I want to formulate my own definition of it. But first of all, I’m not an expert because it’s my first time to have an ex-boyfriend, and I know that not all break-ups are the same, so I will just focus on my limited experience. Second, I don’t care what other people are thinking, I just want to talk about it. And last but not the least, nakapag-moved on na po ako
I’m definitely sure that I am sure.
Here’s what I think:
- I’ve been to hell, and now I’m back to earth’s surface <- yan talaga ang movement
- I’m TRULY happy with my life right now, not faking smiles anymore.
- I’m no longer hurting everytime I see and remember that person.
- And I don’t love him anymore. ZERO.
Simple but moving. LOL
Si Ayin kasi eh! 
May 02
Araw-araw, di ako makapaghintay na pumatak ang alas-kwatro ng hapon para makauwi na ng bahay. Pagdating ng bahay, kakain muna at magkukulong na sa kwarto, dadamputin si Santiago
Last week lang namin siya binili. Hindi ko maalala kung kailan pa binili ung luma naming gitara, matagal na atang panahon yun, sirang-sira na nga siya eh, isang kanta palang kailangan mo na ulit itono, kaya ang kapal ng kalyo ko sa daliri.
Meet Santiago: Continue reading »
May 02
Big time na kami ngayon! Reunion sa Puerto Galera! Woohoo!!!
Nakakatuwang isipin na kahit isang beses lang sa isang taon kami nagkakasama, hindi pa rin sila nagbabago, ganun pa rin sila, parang hayskul life pa rin!
Apr 11
Hindi Ko Bubuklatin Ang Huling Pahina Ng Iyong Kasaysayan
Hindi ko bubuklatin ang huling pahina ng iyong kasaysayan,
Dahil ilalaan ko ang aking mga titig sa iyong paglalayag.
Hindi ko babasahing lahat ang pahina ng iyong kasaysayan,
Dahil gusto kong ako ang maglapat ng magiging wakas
Hindi ko tatapunan ng sulyap ang pabalat ng iyong kasaysayan
Upang manatiling sabik ang aking sariling iba ka sa lahat.
Hindi ko itatago ang iyong kabuuang kinakapitan nang alabok,
Upang magtandis ka sa mga siphayong sa iyo ay lulukob.
Hindi ko ipakikita kanino man ni isang titik nang tinagipos
Mong pahina, upang walang makabatid na wala kang tuldok.
Hindi nila makikita ang iyong pahina sakaling ihandog
Ang munting kahilingang: Mahalin mo ako ng bukal sa loob.
ni Raul Funilas
Napakagandang tula 