Minsan o madalas, iniisip mo kung ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo. Kung bibigyan ng pagkakataong pumili ng gusto mo, hindi mo rin alam kung ano ba talaga. Kung anong meron ka, minsan nagsasawa ka na, pero ayaw mo namang humanap ng mas maganda. Dumadating din yung punto na napapagod ka na sa paulit-ulit na ikot ng buhay mo, mula umaga hanggang sa pagtulog, gusto mong may magbago, pero nakakatakot maging iba, nakakatakot sumubok ng bago o sadyang nakakatamad lang talaga. Nakakahiyang magreklamo dahil kahit papano mas okay naman ung buhay mo kumpara sa mga taong hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.
Habang tumatanda ka, lalong nagiging mahirap ang buhay. Iniisip mo na ung mga bagay na dati wala kang pakialam. Madami ka nang nakakasalamuhang ibang tao, kaya lalong dumadami problema mo. Dumadami na ang mga kakilala mong namamatay, madami nang nag-aasawa, madami nang nabubuntis na classmates mo nung highschool, dumadami na din ang mga nag-iibang bansa. At eto ikaw, naghihintay ng isang malaking BOOM sa buhay mo, yung life-changing, yung breath-taking, yung earth-shaking! Pero di mo alam kung maghihintay ka lang ba o gagawa ka ng paraan. Tanga, you make things happen nga eh! HAAAYYY
Lord, sana mabasa nyo toh.
PSP muna..

August 4th, 2008 at 9:20 am
andami ko gusto sabihin, gusto ko mag react, pero mara syang salad sa dila ko, halo halo at di ko lam san ko sisimulan…
pero uh…last week, ganyan din pakiramdam ko… tas sinabihan na lang ako ng aking beloved gay friend na be happy na lang with the small things around you… at napanod ko sa larry king live yday, about metaphysics of the mind, na pag gusto mo talaga makamit isang bagay, we can, we should, we have to set out minds to it na parang program lang sa coputer…. sobrang cliche na, pero miski cliche na, di naman natin sinusunud pa din…pero un totoo…ganun daw dapat gawin kasi powerful ang minds natin talaga…
lastly, gusto ko rin iwasan tamarin paminsan minsan para madami magawa sa buhay ^__^
…just my 2 pesos..
August 4th, 2008 at 10:29 am
hindi pala ako nag-iisa! *hugs
salamat sa dos
August 4th, 2008 at 11:02 am
Kay drama ng buhay.
“Man is the architect of his life.” pero di ka man, di ka rin woman, little girl ka. Hehehehe!
August 9th, 2008 at 4:02 pm
di ko mafeel yung drama sa post mo…
joke lang psp na lang… tuloy sinusundo kayo sa pantry
August 9th, 2008 at 8:14 pm
haha! natakot ako nun
September 6th, 2008 at 2:03 pm
well… when you’re actually given more choices… the more indecisive you get… and when you finally decide… you wish never made that decision… but that will take time to realize… para san pa ang kasabihan na: nasa huli ang pagsisisi… lol! Don’t take life seriously pare ko… nobody gets out alive anyway
miss you heaps! 